One evening of September 2015, I was forcing myself to sleep when I decided to randomly write a poem through my twitter account. No rules, no counts, no measures. Not even finished. I just wanted to get some stuff out of my head, hoping it would then clear my mind and would finally get me some rest. Two years later, I remember that unfinished poem and thought of giving it the closure it deserves.
How does it feel to be loved by someone who has no courage of taking the risk to be with you? How does it feel to wait and hope amidst uncertainty? Will a woman be less if she takes the first step rather than wait for the other to earn bravery? How does someone let go of a love she never really had? Isn’t life too short to let chances be missed and let regrets be regrets until your last breath?
KUBLI
Category: Malayang Taludturan
First Draft: September 27, 2015
Final Draft: September 11, 2017
Isa kang hangin, di papahuli, di papaalipin
Isa kang hangin, tila walang damdamin at nararapat limutin
Ni minsan ba’y naisipan mo akong tangayin?
Sa iyong mundo, ako’y iyong dalhin?
Tunay kang mailap at mapagkubli
Ngunit paanong hindi ko magawang mamuhi
Hindi matanto, at hindi mawari
Kung bakit paulit ulit kitang pinipili
Ang pag-ibig mo’y isang tulang hindi natapos
Isang tagapagtanghal na sa pagkakaila ay nakagapos
Nananahan sa dilim, tahimik at nagkikimkim
Pikit-matang ibabaon ang pinakatatagong lihim
Ang pag-ibig mo’y duwag
Pipiliing magtago sa halip na damdamin ay ihayag
Maging isang dangkal man ang pagitan ng dalawang pusong bihag
Bangka’y nakaabang, alon ay mapayapa, ngunit hindi maglalayag
Ang pag-ibig mo’y tila nangangambang anak sa ilalim ng palda ng ina
Wari’y bulag na umaasa ng limos, sa pamamagitan ng pagkanta
Ang pag-ibig mo’y isang nahuhulog na bituin,
Kaakit-akit sa paningin, bagama’t pagbagsak ang tatahakin
Hanggang kailan mahal ko
Na sa ihip ng hangin lang maririnig ang mga bulong mo
Kailan masisilayan, matutunton ng mga matang ito
Ang pag-ibig na ipinagdadamot ng mga paniniwala mo
Tunay ka ngang isang hangin, di papahuli, di papaalipin
Dadaan, dadampi, lilipas at lilimutin
Nagmamasid at tahimik akong mamahalin
Mahal ko, nawa’y maisipan mo nalang akong tangayin…
Photo Credits: Smoothy | http://121clicks.com/inspirations/elements-of-nature-in-photography-an-inspiration

Leave a comment